Magsasara ang pagpaparehistro sa
Biyernes, ika-20 ng Oktubre.

Sambahayang exempted sa residence tax para sa piskal na taong 2023 [Reiwa 5] Tungkol sa Pansuportang Ayuda ng Lungsod ng Osaka na Inuukol sa Pagtaas ng Presyo ng Kuryente, Gas, Pagkain atbp.
(30,000 yen kada 1 sambahayan)

Magbibigay ng ayudang 30,000 yen kada 1 sambahayan bilang pagsasaalang-alang sa dagdag na gastusin dahil sa pagtaas ng presyo ng kuryente, gas, pagkain atbp., sa mga sambahayang exempted sa residence tax na lubhang naapektuhan ang badyet ng pamilya.

Sambahayang exempted sa residence tax para sa piskal na taong 2023 [Reiwa 5]

Sa mga sambahayang nakumpirmang sakop sa pagbibigay ng ayuda sa Lungsod ng Osaka,

  • (1)Hulyo 20 (Huwebes) / 21 (Biyernes), 2023 [Reiwa 5]
    Ang "Abiso sa kabayaran" ay naipadala na

    (1) Sa sambahayang pinadalhan ng "Abiso sa Pagbibigay ng Ayuda"

    Ang kabayaran ay nakumpleto na sa kalagitnaan ng Agosto 2023

  • (2)Sunod-sunod mula Hulyo 27, 2023 [Reiwa 5] (Huwebes)
    Ang "Kasulatan ng Pagkumpirma" ay naipadala na

    (2) Sa sambahayang pinadalhan ng "Kasulatan ng Pagkumpirma"

    Pagkatapos maibalik sa amin ang "Kasulatan ng Pagkumpirma," nakatakdang ibigay ang ayuda sa loob ng mga 1 buwan

* Kahit na sambahayang exempted sa residence tax, may mga kaso kung saan hindi matatanggap ang "Abiso ng Pagbibigay ng Ayuda" at "Kasulatan ng Pagkumpirma," at kailangang mag-apply para rito.

Tungkol sa Ayuda

Sambahayang sakop sa pagbibigay ng ayuda

Sambahayang nakarehistro bilang residente sa Lungsod ng Osaka sa petsang Hunyo 1, 2023 [Reiwa 5], at exempted sa per capita rate ng residence tax para sa piskal na taong 2023 [Reiwa 5] ang lahat ng miyembro ng sambahayan.

Taong sakop sa pagbibigay ng ayuda
   (taong may karapatang tumanggap)

Puno ng sambahayang sakop sa pagbibigay ng ayuda

Halaga ng ibibigay na ayuda

30,000 yen kada 1 sambahayan

Palakad para sa pagbibigay ng ayuda atbp.Magsasara ang pagpaparehistro sa Biyernes, ika-20 ng Oktubre.

Tungkol sa Pansuportang Ayuda ng Lungsod ng Osaka na Inuukol sa Pagtaas ng Presyo ng Kuryente, Gas, Pagkain atbp. (tatawaging "Ayudang ito" mula rito), ipapadala ang "Abiso sa Pagbibigay ng Pansuportang Ayuda ng Lungsod ng Osaka na Inuukol sa Pagtaas ng Presyo ng Kuryente, Gas, Pagkain atbp." (Tatawaging "Abiso sa Pagbibigay ng Ayuda" mula rito.) o ang "Kasulatan ng Pagkumpirma ng mga Kondisyon sa Pagbibigay ng Pansuportang Ayuda ng Lungsod ng Osaka na Inuukol sa Pagtaas ng Presyo ng Kuryente, Gas, Pagkain atbp." (Tatawaging "Kasulatan ng Pagkumpirma" mula rito.) sa puno ng sambahayan kung saan nakumpirmang exempted sa per capita rate ng residence tax para sa piskal na taong 2023 [Reiwa 5] ang lahat ng miyembro ng sambahayan, mula sa mga sambahayang sakop sa pagbibigay ng ayuda sa Lungsod ng Osaka.

(Paunawa) Ipapadala namin ang "Abiso sa Pagbibigay ng Ayuda" at "Kasulatan ng Pagkumpirma" sa address ng nakarehistro bilang residente sa Lungsod ng Osaka sa petsang Hunyo 1, 2023 [Reiwa 5], kaya't sa mga taong nagbago ang address dahil sa paglipat ng tirahan atbp., hinihiling na magsumite ng notipikasyon ng paglipat ng tirahan sa post office.

  • ① Sambahayang makakatanggap ng "Abiso sa Pagbibigay ng Ayuda" (kulay asul na sobre)

    Sambahayang
    Panahon ng Pagpapadala Panahon ng Pagbibigay ng Ayuda Paraan ng Palakad

    Hulyo 20 (Huwebes) at 21 (Biyernes) 2023
    (Naipadala na)

    Gitna ng Agosto

    * Liban kung may pagbabago atbp. sa account para sa pag-transfer.

    Sa patakaran, hindi kailangan ang palakad

    * Ang pagtanggap ng aplikasyon para sa pagbabago ng bank account, at iba pa ay natapos na noong Agosto 2, 2023 (Miyerkules).

    ■ Sambahayang sakop sa pagpapadala

    Sambahayang binigyan ng Lungsod ng Osaka ng Emergency na Pansuportang Ayuda para sa Pagtaas ng Presyo ng Kuryente, Gas, Pagkain atbp. sa piskal na taong 2022 [Reiwa 4] sa account na nakapangalan sa puno ng sambahayan, mula sa mga sambahayang walang taong lumipat galing sa ibang lungsod mula Enero 2, 2023 [Reiwa 5]

    ■ Paraan ng palakad

    Sa patakaran, hindi kailangan ang palakad. Gagawin ang pag-transfer sa account na nakasulat sa "Abiso sa Pagbibigay ng Ayuda" (account ng puno ng sambahayan).

  • ② Sambahayang makakatanggap ng "Kasulatan ng Pagkumpirma" (kulay berdeng sobre)

    Sambahayang
    Nakatakdang Panahon ng Pagpapadala Panahon ng Pagbibigay ng Ayuda Panahon ng Pagbalik

    Sunod-sunod mula Hulyo 27, 2023 [Reiwa 5] (Huwebes)

    *Natapos na ang pagpapadala.

    Mga 1 buwan pagkatapos maibalik sa amin, liban kung may kulang

    Maaaring matagalan kapag kakasimula pa lamang dahil magkakasabay-sabay ang pagbalik sa amin.

    Oktubre 20, 2023 [Reiwa 5] (Biyernes)
    Balido ang may tatak ng koreo hanggang sa takdang araw

    ■ Sambahayang sakop sa pagpapadala

    Hindi sambahayang sakop sa pagpapadala ng Abiso sa Pagbibigay ng Ayuda, na sambahayang nakumpirma ng Lungsod ng Osaka na exempted sa per capita rate ng residence tax para sa piskal na taong 2023 [Reiwa 5] ang lahat ng miyembro ng sambahayan

    ■ Paraan ng palakad

    Matapos sulatan ng mga kinakailangang bagay ang puwang para sa pagkumpirma sa harapan ng "Kasulatan ng Pagkumpirma," mangyaring isulat ang impormasyon ng account sa likuran ng "Kasulatan ng Pagkumpirma," idikit ang kopya ng dokumento kung saan makukumpirma ang account para sa pag-transfer, at ibalik sa amin gamit ang nakalakip na sobre para sa kasagutan.

  • ③ Sambahayang kailangan ng "Application form"

    Mula sa mga sambahayang sakop sa Ayudang ito, kailangang magsumite ng application form ang mga sumusunod na sambahayan.

    Panahon ng Pagtanggap ng Application Panahon ng Pagbibigay ng Ayuda Deadline ng Pag-apply

    Magsisimula ang pagtanggap sa Hulyo 27, 2023 [Reiwa 5] (Huwebes)

    Mga 1 buwan pagkatapos mag-apply, liban kung may kulang

    Maaaring matagalan kapag kakasimula pa lamang dahil magkakasabay-sabay ang pagbalik sa amin.

    Oktubre 20, 2023 [Reiwa 5] (Biyernes)
    Balido ang may tatak ng koreo hanggang sa takdang araw

    ■ Halimbawa ng sambahayang kailangan ng application form

    • Taong lumilikas dahil sa karahasan atbp. mula sa asawa o kamag-anak na hindi asawa sa batayang petsa (Hunyo 1, 2023 [Reiwa 5]), ng sambahayang exempted sa per capita rate ng residence tax para sa piskal na taong 2023 [Reiwa 5]

    Ang paraan ng pagsumite ay magbabago na simula sa Septiyembre 19, 2023.

    • Taong nakansela ang pagkarehistro bilang residente bago pa ng batayang petsa (Hunyo 1, 2023 [Reiwa 5]), ng sambahayang may miyembrong panibagong nagrehistro bilang residente ng Lungsod ng Osaka mula sa batayang petsa (Hunyo 1, 2023 [Reiwa 5])
    • Taong muling kumuha ng pahintulot sa paninirahan (status of residence) o sambahayang may miyembrong panibagong nagrehistro bilang residente ng Lungsod ng Osaka mula Enero 2, 2023 [Reiwa 5] hanggang sa batayang petsa (Hunyo 1, 2023 [Reiwa 5])

    ■ Paraan ng palakad

    Matapos ilakip ang mga kinakailangang dokumento sa application form, ibalik sa amin gamit ang sobre para sa kasagutan.

    ■ Paraan ng pagkuha ng application form

    Maaaring gawin ang aplikasyon sa Call Center o paggamit ng inquiry form sa website na ito, at ipinamamahagi din sa Benefits Counter sa tanggapan ng distrito.

    ■ Deadline sa pagsumite ng application form

    Ang mga aplikasyon para sa pagpapadala sa pamamagitan ng call center at ang inquiry form sa website na ito ay natapos noong ika-12 ng Oktubre (Huwebes).
    Ang mga pagbabayad ay gagawin sa counter ng benepisyo sa opisina ng ward hanggang 7:00pm sa Biyernes, ika-20 ng Oktubre.

    Ang paraan ng pagsumite ay magbabago na simula sa
    Septiyembre 19, 2023.

    Para sa taong lumilikas dahil sa DV (domestic violence) atbp.

Mga Madalas Itanong

Para sa mga katanungan

Call Center para sa Pansuportang Ayuda ng Lungsod ng Osaka na Inuukol sa Pagtaas ng Presyo ng Kuryente, Gas, Pagkain atbp.

Nagbukas kami ng call center para masagot ang inyong mga katanungan.
Kapag Lunes at sa umaga, madalas na nagkakasabay-sabay ang mga nagtatanong, at maaaring mahirap makakonekta sa telepono.

0120-002-561(Toll-free number)
06-6690-8515(Para sa mga taong hindi makakagamit ng toll-free number)

Oras ng pagtanggap: Mula 9:00 hanggang 20:00, Lunes hanggang Biyernes liban sa mga holiday
Ang suporta sa Sabado, Linggo, at pampublikong holiday ay natapos noong ika-29 ng Oktubre.

* Hinihiling naming kumpirmahin ninyo nang mabuti ang numero, upang hindi kayo magkamali sa pagtawag.

FAX 06-6485-5699

Tanggapan para sa Ayuda sa Ward Office

Natapos noong ika-20 ng Oktubre (Biyernes).
Mangyaring mag-ingat sa mga "bank transfer scam" at "scam ukol sa personal na impormasyon" kaugnay sa Pansuportang Ayuda ng Lungsod ng Osaka na Inuukol sa Pagtaas ng Presyo ng Kuryente, Gas, Pagkain atbp.!

Hinding-hindi hihilingin ng (opisyal ng) lokal na pamahalaan, pambansang pamahalaan at iba pa ang paggamit ng ATM, o pag-transfer ng cash kaugnay sa pagbibigay ng "Pansuportang Ayuda na Inuukol sa Pagtaas ng Presyo ng Kuryente, Gas, Pagkain atbp."

Kung nagkaroon ng kahina-hinalang tawag sa telepono o koreo na nagpapanggap na (opisyal ng) prefecture, lokal na pamahalaan, pambansang pamahalaan at iba pa sa inyong tahanan, pinagtatrabahuhan at iba pa, mangyaring makipag-ugnayan sa lokal na pamahalaan ng inyong tirahan o sa pinakamalapit na himpilan ng pulis, o sa numero ng teleponong para lamang sa konsultasyon sa pulis (#9110).

ToTop